Chapter 50 ISABELLE Pagkababa ko ng sinasakyan kong jeep ay halos magkadapa-dapa na ako nang takbuhin mo ang main entrance ng gusali na pinapasukan kong hotel dito sa Cebu. Hindi ako maagang makaalis ng bahay dahil may lagnat ang baby Aaron ko. Dahil nagsimula na itong nagngi-ngjpin. Lagi itong nagpapakarga sa akin at umiiyak. Kaya nahirapan akong umalis ng bahay. Hindi rin ako puwede uma-absent ngayon dahil ngayong araw darating ang bagong may-ari ng pinagtatrabahuan ko. Nagpa-alam na ako kay sir Zavien kagabi pero hindi ito pumayag bukas na lang daw ako mag-absent. Tatawag-tawagan ko na lang si Inay para kamustahin si baby Aaron. Dumagdag pa na matagal ako bago makahanap ng jeep na masasakyan dahil sa ganitong oras. Rush hour, halos mag-aagawan ang mga pasahero ng sasakyan. Nakadagda

