BLAIRE “Bro, sigurado ka ba talaga na siya ang tumutulong sa iyo, noon?” nagduduang tanong ni Simon. Nangunot ang noo sa kanyang biglang pagtanong. “Hindi ko alam, Bro. Naguguluhan ako may hearts says na hindi siya. Pero sa mga kinu-kwento niya mukhang totoo naman,” tugon kay Simon. Nahalatang hindi pa rin kumbinsido sa mga sinasabi ko. “Teka, nga Bro, nagseselos ka ba sa akin? Alam mo naman na hindi ako magkakagusto sa kanya. Isa lang ang babaeng mahal ko,” Itinukod ko ang dalawang siko sa aking mesa kaharap ko naman si Simon. Nasa ganitong ayos kami ng biglang bukas ang pinto at iniluwa si Jane. May bitbit itong dalawang tasa ng kape. Matamis itong ngumiti sa amin, sinuklian ko naman siya ng ngiti. “Blaire, dinalhan kita ng kape. Pati na rin ikaw, Simon,” mahinhin nitong saad. “

