ISABELLE Dumaloy ang masaganang luha sa aking pisngi habang mataman kong tinitigan ang aking anak na mahimbing na natutulog. Mabilis lang ang takbo ng panahon. Limang buwan na ang baby Aaron ko. Ang dabi ng nanay madami ang nakuha ng baby Aaron ko sa tatay niya. Kahit hindi man ako nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang mukha ng tatay niya ay sa kanya ko naman nakikita si Andrew. Sa mahigit isang taon na rin nang lumisan si Andrew, ngunit ang sakit ng kanyang paglisan ay nandito pa rin. Naniniwala pa rin ako na muli siyang babalik sa akin. Pinahid ko ang aking mga luha nang nagsimulang umiiyak na naman ang baby Aaron ko. I Dahan-dahan kong kinuha at kinarga ito. Ito kasi ng gusto niya hinihili ko siya. “Ssh, huwag ka ng umiyak baby Aaron namin. Nandito naman ang nanay,” Napangiti ako

