JANE Hindi ko akalain na makita ko si Andrew dito sa pinapasukan kong bar. At mukhang siniswerte ako dahil higit pa pala sa inaasahan. Isang bigtime billionaire pala ito si Andrew or mas tamang sabihin Mr Dwight Blaire Santilian. Narinig ko kanina sila si Simon mukhang may bago na naman akong prospect. Mukhang siniswerte nga naman ako. Kung nagkataon pala na naalala ng Blaire na ito ang bulag abaʼy suwerte pala sana siya. Pero sorry na lang siya dahil sa akin mapupunta ngayon si Andrew mukhang napapaniwala ko siya sa drama ko. Paano ba naman ang galing kong umarti. Pero siyempre alam kong hindi makakatanggi si Andrew so kasexyhan at kagandahan ko. Hindi nga ako nagkakamali na pumunta rito ng Maynila at sumama sa pinsan kung bakla na manager ng bar na ito na pag-aari ni Dion. Gagawin k

