Katatapos lang huminto ng sasakyang sinasakyan namin sa harapan ng The Torch — isang kilalang hotel dito sa bansa na ubod ng sosyal at mahal. Dito gaganapin ang formal introduction kay Terrence bilang bagong CEO ng Montemayor Holdings Inc. Tanghali pa lang pero mamayang hapon pa talaga magsisimula ang event. Ayaw ng hambog kong boss ng hassle, kaya mas gusto niya na dito na kami manggaling. Gets ko naman. Kung sa condo pa kami magmumula, baka abutan na kami ng rush hour. E alam mo na, allergic ‘yung hambog sa pagiging late. Parang masisira ang ego niya kapag di siya ang unang dumarating. Pagkapasok pa lang namin sa suite, agad siyang umupo sa couch ng living area na parang pagod na pagod, kahit ako naman ‘yung nagbuhat ng mga gamit namin at hindi siya. “Pakiramdam ko, masakit pa rin ang

