Kumabog ng malakas ang dibdib ko at pakiramdam ko ay parang hindi aircon ang bumabati sa balat ko kundi init na galing sa lalaking halos dumikit na sa tabi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili. Bumaling ako sa kanya at nagsalita, medyo pabulong pero puno ng inis. “Pwede ba, lumayo ka nga? Para kang multo ng kahapon eh.” Napalingon siya sa akin. Hindi agad nagsalita. Nakangisi lang. ‘Yung ngising may alam. Nakakairita. Nakakakaba. Nakakaloko. “Bakit?” aniya, dahan-dahang inabot ang throw pillow na nasa pagitan namin. Hindi sinasadya, pero nadampi ang mga daliri niya sa likod ng kamay ko. Ang bilis ng reflex ko at agad kong binawi ang kamay ko. Pero huli na. Ramdam ko na agad ang kakaibang kiliting gumapang mula sa balat ko, paakyat sa batok, at dumiretso sa mga pisngi kong biglang umin

