Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, tila ba sinusuri kung sapat na ang ayos ko para sa isang event na hindi ko naman gustong daluhan. Nasa loob pa rin ako ng hotel room kung saan gaganapin ang opisyal na pagpapakilala sa hambog kong amo. Hindi na bumalik si Carmie matapos umalis kanina, pero si Warren dumating din kalaunan. Kinausap niya si Terrence kaya, thank God, natigil din ang walang-kwentang pang-aasar nito. Sabi ni Warren, kumain na raw siya. At least, kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng hiya ko dahil kami ng amo ko ang sabay na kumakain habang sila'y nag-uusap. Medyo seryoso ang topic nila, tungkol sa MHI. Kaya kahit gutom pa ako, pinili kong manahimik at makinig na lang. Wala pa akong gaanong alam tungkol sa kumpanyang 'yon, kaya sinikap kong sumagap ng kahit anong imp

