Hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin. Alam ko naman kasi na malabong mangyari yon. Isang linggo pa lang akong nagtatrabaho tapos salary loan agad? Higit sa lahat, halagang limang milyon! “Evie!” Ang bilis ng lipad ng tingin ko kay Terrence ng marinig ko ang pagtawag niya. Kaharap ko lang siya, akala mo ang layo ng kausap. “Kanina pa kita tinatanong, hindi ka sumasagot.” “Ha?” wala sa sarili kong tugon. Kaya pala ang lakas na ng boses niya. “I'm sorry, ano nga ulit yon?” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya matapos pumikit at dumilat na tila ba nagtitimpi ng galit. “Just tell me what it is, Evie. Dalawang araw ka ng wala sa sarili. Simula ng umuwi ka noong Linggo, ganyan ka na.” “Tell you what?” tanong ko pa rin. “Kung ano man ang dahilan ng pinagkakaganyan mo!” Ma

