Sobrang pagod ko, ‘yung tipong pagdampi pa lang ng likod ko sa kama, knockout agad. As in wala na akong narinig, wala na akong naramdaman parang pinatay lahat ng switch sa katawan ko. Buti na lang talaga at nagawa ko pang mag-shower bago humiga. Kung hindi, baka kanina pa ako nagkakamot sa kati o naiilang sa sarili ko. Kasunod na araw, Linggo, at nasa hospital ako. Kailangan ko rin naman dalawin ang aking ina. Kahit na busy ako sa paggawa ng pera para matustusan ang pangangailangan niya ay hindi pwedeng hindi niya maramdaman ang presensya ko. Kasing halaga ito ng perang kikitain ko. Alam kong technically day off ko ‘to at hindi ko naman kailangang magpaalam, pero nagsabi pa rin ako sa amo ko bago lumabas. Isang bahay lang kami nakatira, at ayoko namang mapag-isipan na bastos ako o wala a

