Tinanguan lang ako ni Terrence, tapos tuluyan na akong iniwan sa may pinto ng opisina niya. Napakunot ang noo ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Wala naman akong alam na appointment niya ngayon, lalo na sa ganitong oras, may meeting siya mamayang konti with the IT department. Kaya saan siya pupunta? Bahala na nga siya. Isa lang ang sigurado, hindi niya ako kailangan kaya iniwan niya ako. Wala na rin akong nagawa kundi bumalik sa pwesto ko at ituloy ang trabaho. Hindi puwedeng magmukmok, ang daming dapat tapusin. Isa pa, sa opisina, bawal ang patunga-tunganga. Tanghalian na, at gaya ng nakagawian, sabay kaming kumain. Tahimik. Civil. Walang kumikibo nang hindi kailangan. Nanatili kaming propesyonal sa isa’t isa, kahit ang daming bagay na gusto ko sanang sabihin. Pero hindi pa tama

