Hindi ko alam kung blessing in disguise ba ang nangyari dahil nauna ng umalis si Terrence kasama si “babe” kuno. Hmp! Malamang sa milagro ang punta ng mga ‘yon. Dahil wala na nga ang hambog, natural, pack up na rin ako ng matapos ang oras ng trabaho. Ano ‘yon, nagpapasarap na siya habang ako ay kayod pa rin? No way. Natapos ko na rin ang iba pang gawain ko para bukas. Kahit wala na akong balak na kausapin pa ang Terrence na ‘yon ngayong gabi ay pabor pa rin naman sa akin kung matatapos ko ng maaga at maayos ang trabaho ko. Dahil nauna na ngang umalis ang hambog, nag-commute ako. Wala namang kaso, hindi naman niya obligasyon na ipahatid ako sa driver. Kaya lang, nakakainis pa rin lalo na at naiisip ko yung tunog ng tawa ng “babe” na ‘yon. Agad akong naligo at nagbihis pagdating ko. Gus

