Nagising ako at nilibot ang paningin ko andito pa rin ako sa bakanteng kwarto sa opisina ko. Naramdaman ko ang dalawang brasong nakayakap sa'kin. Zeen bakit ba kung kailan nagdesisyon na 'kong kalimutan ka roon ka naman bumabalik para sirain ang buhay ko? Napabuntong-hininga ako tiningnan ko ang mukha nito. From his strong jawline, his kissable lips, mahabang pilikmata at makapal na kilay. Hanggang ngayon ang gwapo niya pa rin ay mali mas gumwapo siya ngayon. Ang hirap tikisin ang sarili ko kahit anong tago ko sa tunay kong nararamdaman wala pa rin lumalabas at lumalabas pa rin ito. Pero tama na ayoko ng sumagal dahil sa bandang huli masasaktan lang ako. Puno ng determinasyon na tinanggal ko ang braso nitong nakapulopot sa beywang ko at dahang-dahan umalis sa aking pagkahiga. Pinulot k

