Nararamdaman ko malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Andito ako ngayon sa U.K gaya ng aking pinagplanuhan tinakasan ko na naman siya dahil sa takot na baka masaktan na naman ako. Mahal ko siya pero minsan kailangan mong I let go ang taong mahal mo dahil sa sobra na ang sakit na nararanasan mo. Ilang ulit ng nawasak ang puso ko at ilang ulit ko na rin itong pinulot at sinubukang gawing buo pero 'di ko alam parang may kulang. "Mommy?" Napabaling ang aking atensiyon sa aking anak. "Hmm?" Tanging sinagot ko rito dahil malalim pa rin ang iniisip ko halos hindi ako makawala. "Mom are you okay?" May pag-alalang tanong nito na kinalingon ko rito, mabuti na lang at may nakakasama akong tao na totoong may pagmamahal at pagmamalasakit sa akin. "Yes mom is okay." Hinaplos-haplos

