Pagdating ni Nelia ay saka lang umalis si Edward. Hindi mawala sa isip niya ang nakakaawang itsura ni Alexa kanina habang nakatingin sa bintana ng ospital. Kung hindi niya pinigilan ang sarili ay lalapitan niya ito at yayakapin nang mahigpit. Alam niyang nag-aalala ito sa kalagayan ng ama lalo at matanda na ito. At kaninang nakita niya ang pigil nitong pag-iyak at pilit itinatago sa kanya’y hindi niya na pinigilan ang sarili. At isang beses lang na nagdikit ang katawan niya sa dating kasintahan ay iglap ding bumalik lahat ng damdaming isinantabi niya sa loob ng dalawang taon. Mahal pa rin niya si Alexa. Hanggang kanina ay nakita pa rin niyang suot nito ang singsing na ibinigay niya rito noong nag-propose siya. Kung bakit nito suot pa ay gusto niyang itanong. It wasn’t even t

