Dahil nakapag-desisyon siyang pagbigyan ang ama na pamahalaan ang hacienda ay agad niyang tinawagan si Verna. Nalungkot ito sa biglaan niyang pag-resign pero natuwa rin sa huli nang sinabi niya ang tungkol sa pag-alok ni Edward na turuan siya sa loob ng isang linggo. “Maybe he still loves you,” agad nitong pag-a-analisa. Napailing naman siya na tila nakikita ni Verna ang reaksyon niya mula sa kabilang linya. “He was just concern, Verns. Kahit dati pa ay likas na sa kanya ang pagtulong. Hindi ko gustong bigyan ng kahulugan dahil sa tingin ko’y may girlfriend na siya,” malungkot niyang wika. “Kung hindi pa naman sila kasal may pag-asa pa kayo,” tudyo nito. Hindi siya sumagot. Hindi ang tulad ni Edward ang tumatalikod sa mga pangako. At kung naipangako na nito ang pus ok

