“Hindi ko gusto ang muli mong pakikipaglapit kay Ma’am Alexa, Edward.” Nagulat siya nang magsalita ang Inay niya habang siya’y binubutones ang suot na polo shirt. Wala pang alas sais ng umaga at balak niyang sa mansyon ulit kumain ng almusal. “Bakit naman ho?” tanong niya kahit alam niya na ang sagot. “Hindi ko gustong magkaroon ka pa ng ugnayan sa kanya. Si Michelle o si Clarissa ang gusto kong mapangasawa mo,” seryoso pa ring wika ng ina. Ngumiti siya ng malapad para tanggalin ang anumang agam-agam nito. “Ano hong sinasabi ninyo? Tinutulungan ko lang siyang mas madaling matutunan ang pamamalakad sa hacienda. Hindi na makakapagtrabaho si Dr. Martin dahil pinagbawalan na ng doktor. Ito lang ang puwede kong itulong sa panahong ito, ‘Nay.” “Hayaan mo na sila sa hacie

