Sa ilang araw na magkasama sila ni Edward ay hindi niya maiwasang umasa na magkakaayos silang muli lalo at wala naman siyang nakikitang pagkakataon na pinuntahan nito si Clarissa o tinawagan man lang si Michelle. At sa mga ipinapakitang gestures ng binata ay nagbibigay sa kanya ng senyales na may damdamin pa ito sa kanya. Tulad ngayon. Dinala siya ni Edward sa tabi ng ilog na may dalang picnic basket na ipinahanda nito kay Nelia kanina, isang araw bago ito bumalik sa trabaho nito sa DENR. “Bakit hindi na lang tayo sa kubo kumain?” tanong niya habang naglalatag ito sa damuhan sa ilalim ng puno ng pine tree. Malamig ang simoy ng hangin dahil alas otso pa lang ng umaga. “Ilang araw ka ng pagod sa maghapon sa bukid. I told you, hindi mo kailangang samahan ang mga trabahador ma

