Pagkatapos nilang mag-picnic ay sandalin nag-ikot si Edward atAlexa sa farm at kinausap ang ibang trabahador. Sa buong maghapong iyon ay lagi niyang hawak ang kamay nito habang naglalakad. Nasa bukid din ang ama niya na marahil ay napansin din iyon ngunit hindi naman nagsalita. Alam niyang tututulan ng ina ang pagbabalikan nila ni Alexa pero masaya siya sa desisyon at gusto niyang panindigan iyon. Alas kwatro ng hapon ng bumalik sila sa mansyon. Pumasok sa silid nito ang kasintahan at siya naman ay nakipagkuwentuhan kay Dr. Martin. “Masaya ako na nagkaayos kayong muli ni Alexa, Edward,” nakangiti nitong wika. “Masaya rin ho ako, Dr. Martin. Kumusta ho kayo?” “Mabuti naman, Iho. Mapapanatag na ako kung sakali mang mawala ako sa mundong ito. Alam kong mamahalin at aalagaan

