Chapter 9.1- Essense of Friendship Amy Tik-tik tilaok! Haha! Walang manok dito noh. Joke lang words na 'yan haha! Nakapikit pa ako habang umiinat ng braso sabay sabi ng.. "Good Morninnggggggg-Ay! ANAK NG MANOK!" sigaw ko nang may makita akong tatlong tao sa loob mismo ng kwarto ko. Nakatayo sila sa harapan ko at matamang nakatitig sa akin. Muntik na akong napasiksik sa headboard dahil medyo nagulat talaga ako. Nakahinga lang ako nang malalim nang masulyapan ko na sina Rizza, Mark, at Claire lang pala ang mga iyon. P-pero teka? Ano ang ginagawa nila sa room ko? Paano sila nakapasok? Humagikhik si Claire nang marinig ang reaksyon ko. "Good morning Amy." nakangiting bati ni Mark "Ganda ng umaga mo ah? May painat-inat ka pang nalalaman." sarcastic na sabi Rizza tsaka tumawa ng bahagya

