Chapter 9 Amythyst Almost 30 minutes ang tinagal ng experiment. And eto na hawak na ng Hari ang results. Kahit napakainosente ko sa mga bagay na pinapalabas nila sa'kin hindi parin talaga mawala ang kaba sa dibdib ko. Nakayuko lang ako habang nasa paligid ko ang 4 na Master including Zed. At nasa harap ko si King Charles. Kung saan isang mahabang lamesa ang nasa pagitan namin. Binuksan na ni Haring Charles ang envelope. Napatingin ako kay Master Morley na noon ay bahagyang ngumiti sa'kin. Si Zed naman na tumingin nga sakin pero hindi man lang ngumiti. Tss. Antipatiko talaga! Huminga ako nang malalim saka pinakinggan ang result na siyang babasahin ni Haring Charles. Hindi ko talaga maiwasan kabahan. Hindi lang sa result kundi sa atmosphere na nararamdaman ko sa lab na ito. Kumunot an

