Chapter 6 -Gossips Amythyst "You only have 100 points for my next return." Sabi ng talking machine tsaka nawala na lang na parang bula. Gezz! 100 points na lang? Samantalang 'yong mga kaibigan ko nadadagan ng 200 points ang card nila dahil nagtagumpay sila sa unang pagsubok namin. Kapag naubos 'to paano na ako? Saan ako kakain? Wala pa naman akong dalang pera. Haist! Poor me... "Amy!" tawagni Claire palapit sa'kin kasunod naman ang iba ko pang kaibigan. "Oh? Bakit?" tanong ko habang dala-dala 'yong pagkain at papasok na sana ako sa kwarto ko. "We have to talk." medyo seryosong sabi ni Rizza. "Huh? P-pero... kakain pa ako." sabi ko "You can eat your food in cafeteria." Hinatak na agad ako ni Claire. "Ok? " Nagpahatak na lang ako sa kanila. Mukhang seryoso ata kasi ang paguusapan

