Chapter 7- Her Ability. Amythyst Lee "Totoo ba ang sinasabi ng babae na 'to?" tanong sa'kin ng husgado sa korte. Oo. Nililitis na nila ako sa korte. Korte na office room ni Master Morley. At Oo nandito ako ngayon at kasalukuyan sinsentensyahan. Pero syempre joke lang 'yon. I mean tinatanong lang naman nila ako kung totoo ba ang sinasabi ng babaeng chismosa na nasugatan ang kamay dahil sa bubog na gawa ng pagkabasag ng baso. At si Master Morley ang nagsisilbing parang disciplinarian dito sa Trojan Academy. "Ahm..." tanging nasabi ko saka bahagyang nag-isip. "Don't deny it girl. Kasi maraming nakahuli sa ginawa mo!" may galit na sabi ng isa sa tatlong babae. "May sinabi na ba ako?" sarcastic kong tanong ko sa kaniya. "Wala pa nga akong sinasabi deny agad?" Adik lang. "Kahit na. Kita

