May kakaibang ngiti sa labi ko nang pumasok ako sa aming opisina. Kita pa nga ang pagtataka sa mukha ng mga ka-opisina ko nang makita nila ako. Ngunit walang pakialam na dumiretso lamang ako sa cubicle ko at hindi inalintana ang tinginan nilang iyon. "Aba teh. Blooming na blooming ka ah," nakangising pagpuna naman sa akin ni Violet nang makalapit ako sa cubicle namin, "Kulang na lang ay masilaw ako sa ngiti mo na iyan." "Hindi ah," umiiling na pagtanggi ko naman, "Ganito naman talaga ako noon pa man." "Sinungaling 'to. Parang kahapon lang kaya ay halos pagsakluban ka ng langit diyan eh," iiling iling na komento pa ni Violet hanggang sa maramdaman ko ang pagsundot ng daliri niya sa tagiliran ko, "Ayiieee may good news ka siguro." Nahihiyang iniwas ko naman ang tingin sa kanya. "Wala," p

