Soulmate huh... Hindi ko alam kung parte lang ba ito ng pagiging romantiko ni Apollo para banggitin ang mga ganitong bagay. Pero hindi ko lubos akalain na maririnig ko mula sa bibig niya ang kataga na iyon. Base din kasi sa naging reaksyon at tono ng pagkasabi niya ay mukhang naniniwala siya sa mga ganitong bagay. Na bawat tao sa mundo ay mayroon nang nakatakda sa kanila magmula pa lang na maisilang sila. Kaso nga lang ang mga ganitong klase na ideya ay karaniwan na makikita lamang sa mga nobela o telebisyon. Kaya imposible na mangyari ang ganoon sa realidad. Na mapanaginipan mo ang isang tao kahit hindi mo ito kilala o kaano ano dahil siya ang kadugtong ng iyonh tadhana. Dahil kung katotohanan lang ito ay sana ganoon na lang kadali na hanapin ng bawat tao ang sinuman na nakatakda sa

