Ramdam ko ang maginhawa na pag-ihip ng hangin sa aking balat. Naaamoy ko rin ang mga pinaghalong amoy ng mga bulaklak. Kaya dahil doon ay dahan dahan na iminulat ko ang aking mga mata. Sandali na nagtaka pa ako sa kinalalagyan ko na lugar ngayon. Ang huli ko kasi naalala ay nasa ospital ako para bantayan si Sir Apollo. Ngunit nang mailibot ko ang aking tingin ay bigla na lamang malakas na napasinghap ako at agarang napabangon. "N-No way... A-Ang lugar na ito..." utal ko pang sambit. Agaran naman ako tumayo mula sa pagkakaupo at sinimulan na kusot kusutin ang aking mga mata para siguraduhin na hindi ako namamalik mata lamang. Ngunit anuman ang gawin ko ay naririto pa rin ako sa lugar na ito. Nang ma-realize ko ang nangyayari sa akin ay naging halo halo ang aking emosyon. Hindi ko ala

