"Apollo!" Malakas na pagsigaw ko nang biglang mapabalikwas ako mula sa aking kinauupuan. Hingal na hingal na napahawak pa ako sa tapat ng aking puso. Pagkatapos ay wala sa sarili na pinahid ko ang namuong malamig na pawis sa aking noo. Wala naman ako sa katulad ng sci-fi na nobela o mga movie pero sobrang hindi ko inaasahan ang naging katapusan na iyon ng aking panaginip. Kitang kita ko kasi kung paano unti unti na naglaho ang kapatagan na iyon. Pati si Apollo ay bigla na lamang nawala sa aking likuran. Hanggang sa humantong ang sandali na napalibutan ako ng matingkad na kadiliman. Sa naalala na iyon ay nanginginig na napayakap ako sa aking sarili. Sobra ang takot ko nang mapunta ako sa kadiliman na iyon. Para bang sinasakal ako nito at unti unti na nilulunod para dalhin kung saan. "

