Mabilis na lumipas ang isang linggo na pagbabantay ko sa ospital. Aaminin ko na may pagkakataon na talagang nagkakapikunan kami ni Sir Apollo dahil sa pagiging suplado niya o mainitin ng ulo paminsan minsan. Pero gayun pa man dahil sa isang linggo ko na iyon sa kanyang tabi ay masasabi ko na naging malapit na rin kami sa isa't isa. Ngunit ngayon na tapos na ang tungkulin ko para bantayan siya ay alam ko ang aking limitasyon. Kailangan ko muli maging propesyunal sa aking trabaho pagkatapos nito. Dahil hindi mababago na si Sir Apollo pa rin ang boss ko at hamak na assistant niya lang ako. Mabuti na lang din ay pinayagan na ng doktor si Sir Apollo na makauwi sa kanila. Ngunit siyempre may mga resetang gamot siya na dapat inumin sa tamang oras at may mga bawal pa rin siya na kainin na pagka

