Harap sa kaliwa. Baling naman sa kanan. Ilang minuto na yata ang lumipas pero pagbabaling baling lamang sa aking kama ang ginagawa ko. Ito ang pakiramdam na tila ba namamahay ako kahit nasa sarili naman akong tirahan. "Urrrgh! Ano ba kasi ang problema sa akin? Hindi naman ako uminom ng kape o kaya uminom ng cola bago matulog ah," nakasimangot ko pang pagbulong bago asar na napaupo sa kama at ginulo ang aking buhok mula sa sobrang pagkayamot. "Hindi kaya may umaalala sa akin ngayon? Kaya hindi ko magawang makatulog?" paghihinala ko pa, "Tss... Kung sinuman siya ay sana tumigil na siya. Gusto ko na kaya matulog." Ngunit sino naman kaya ang mag-iisip sa akin sa ganitong oras? Baka naman si Zeus? Or si... S-Sir A-Apollo? Mabilis na iniling ko ang ulo ko sa iniisip ko na iyon. Para nama

