Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa entrance ng Mijares Corp. ay natuon na agad ang atensyon ng lahat sa akin. Binibigyan nila ako ng kakaibang tingin na tila ba hinuhusgahan nila ang buong pagkatao ko. "W-Wait... Is that Miss Savannah?" "What the hell is she doing here?" "Oo nga! Akala ko ba ay wala na siya sa kompanya?" "Wow naman... ang kapal lang nagawa pa niya talaga na magpakita rito." Dahil sa mga hindi magandang komento na iyon ay hindi ko maiwasan na ilang ulit na napalunok ng aking laway. Mukhang masamang ideya nga na pumasok ako ngayon sa opisina. Dapat yata ay sumunod na lang ako sa mungkahi ni Sir Apollo kagabi. Na huwag na lang muna ako pumasok sa opisina at magpahinga na lang sa aking bahay. "Pero teka lang... Ano naman kaya ang pinoproblema nila ngayon sa akin?" na

