Sa sobrang bilis ng pangyayari ay ilang segundo tila na nag-proseso ng isipan ko. Ang nais ko lang naman talaga ay biruin ng bahagya si Apollo bago matapos ang gabing ito. Pero mukhang napasobra yata ang ginawa ko. Nagkaroon tuloy ako ng panibagong kasabihan sa gabing ito. Na biruin mo na ang kahit sinong lasing, huwag lang ang lalaking nagpipigil. Kaya ngayon dahil sa ginawa ko ay naubos ang natitirang pagpipigil ni Apollo sa kanyang sarili. At kung magpapatuloy ito ay baka tuluyan maisuko ko na nga ang perlas ng aking sinilangan. Na siyang hindi ko pa alam kung handa na nga ba ako na ibigay ito. "Nggghhh..." hinihingal na ungol ko pa sa gitna ng kanyang malalim na paghalik, "T-Teka..." Isa itong halik na punung puno ng pagmamahal at pagnanasa para sa akin. At habang tumatagal na mag

