Nahihiyang napakamot naman ng kanyang batok si Zeus at napaiwas ng tingin sa akin. Halatang naging awkward siya nang mabanggit ko si Apollo na siyang kapareha ko sa event. Siyempre parang kailan lang ay siya itong nanliligaw sa akin kaya hindi talaga ganoon kadali na bumalik ang dati namin na samahan. "Ha ha ha!" pilit na pagtawa ko na lang at nag-isip ng paksa para ibaling ang aming usapan. Ngunit naunahan ako ni Zeus at seryosong tinignan sa mga mata. "Err... ang totoo niyan ay nakita ko ang pagdating niyo ni Sir Apollo kanina..." pagbibigay alam ni Zeus, "Gusto ko sana lapitan kayo katulad ng dati pero sa huli ay naisipan ko na huwag sirain ang magandang mood na pumapaikot sa inyong dalawa." Naiintindihan na napatango ako ng aking ulo para gawin niya iyon. Gayun pa man ay hindi ko al

