Sobrang nanginit ang buong mukha ko sa eksena na naabutan ni Mrs. Mijares. Anumang isip ang gawin ko ay maling mali ang ginawa ko. Hindi ko dapat hinayaan si Sir Apollo na halikan ako. Hindi ko rin dapat sinagot ito. Dahil unang una wala kami ganoong relasyon na dalawa at pangalawang rason naman ay may nobya na siya na malapit na niyang pakasalan. Pakiramdam ko tuloy sa sandali na ito na wala akong pinagkaiba sa ibang malalanding babae. Mga babae na handang ibigay ang kanilang sariling katawan para sa kanilang interes o pakinabangan. Na makakita lang ng mga gwapo at mayaman ay bibigay na. Dahil doon ay mariing napatakip ako ng aking mukha at nagsimula na mangilid ang aking luha sa mga mata. Hindi ko sinadya na mangyari ito sa pagitan ng aming boss. Wala akong plano na akitin siya o ano

