Mga ilang sandali na napatulala ako sa nakasaradong pinto na iyon. Pilit na sinisink in ko sa aking isipan ang nangyari kani-kanina lang. "Eh?" Nang napagtanto ko ang nangyari ay gigil na gigil na napakuyom ako ng aking mga kamay na para bang gusto ko maghanap ng taong masusuntok sa oras na ito. "What the hell is his problem?!" malakas ko pang hiyaw. May ginawa ba ako na mali para biglaan na lang palabasin doon ni Sir Apollo? Pagkatanda ko ay okay naman kaming dalawa nang pumasok kami sa loob. Hindi naman niya masyadong minasama ang pagtingin ko ng larawan niya ng bata siya. O kaya ang pagsabi ko ng cute sa kanya kanina. Ngunit nang lapitan ko ang painting na iyon ay bigla na lamang nabago ang ihip ng hangin. Sa isang iglap ay pinalabas niya ako sa loob ng opisina niya. "Ganoon ba

