Chapter 38 - Attracted "MAY SIGNAL NA ba?" pang-ilang ulit na tanong ni Ricardo kina Nicole at Brando. Tulad ng kanina ay iling lamang ang naisagot ng dalawa. Kahit sa kaninong grupo ay walang sumasagot sa tawag nila. Wala pang balita sa Hari kaya naman ginagawa nila kung ano ang kaya nila sa ngayon. May ilang mga grupo ang wala sa Marcello. Para na rin hindi maging mapanganib ay hindi muna sila pinapunta sa Marcello. Inaalam pa nila kung ano talaga ang nangyayari. Ayaw nilang magpadalos-dalos at magdala ng team doon nang hindi alam kung ano ang mga panganib na makakaharap. Ni isa kasi sa mga team ay hindi ma-contact. Sinubukan nina Josiah na pumunta ngunit hindi rin gumagana ang sasakyan. Parang may kung anong pumipigil dito na barrier ngunit hindi nila nakikita. Mas lalong nakadagda

