Chapter 39 - Danger Limea Seay Meadow Sinubukan namin ni Sparrow na ilayo ang mga Marcollds. Ngunit naging imposible ito dahil sa itim na robots. Winawasak nila pati ang daan ng mga tumatakas kaya na-ipit ang ilan. "Limea, you cover for me. I'll handle one of them," utos ni Sparrow. Pipigilan ko dapat siya ngunit kinagat ko na lang ang ibabang labi ko. Wala na akong oras para umangal pa. Buhay ng marami ang nakasalalay rito kaya tumango na lamang ako. I boosted his jump to reach the robots. Naglabas siya ng espada at saka nagsimulang iwasiwas iyon sa isa. Pinalakas ko rin ang espada niya upang mas maging epektibo iyon. Mabilis akong naglagay ng bilog na maa-apakan niya upang makatalon pa siya nang mas mataas. Naging matagumpay ang pag-espada niya sa mga vital spots nito. Sinusubukan

