Chapter 41 - Fight Limea Seay Meadow Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Naramdaman ko agad ang pagtama ng sikat ng araw. Teka? Bakit magkakaroon ng araw? Napabalikwas ako ng upo nang mapagtanto kung nasaan ako. Nasa kaharian na ako ng Raekia! Dito ako namalagi noong nag-eensayo pa kami. Pero paano? Ang mga Marcollds? "Limea?" Para bang sa isang pikit ko lang, nagbago ang lahat. Bumalik ako sa abandunadong kwarto sa loob ng Marcello. What was that? Imaginations ko lang ba iyon o totoo? Ano ba 'ng nangyayari sa 'kin? "Sparrow," tawag ko sa kaniya. Pumasok siya sa kwarto kung nasaan ako. Tipid siyang ngumiti na para bang hindi alam kung matutuwa siyang gising na ako o ano. Problema nito? Umupo siya sa papag na kinahihigaan ko at tinabihan ako. "Buti naman at gising ka na. Nag-alal

