Chapter 42 HALOS KUMUNOT na ang noo ni Sparrow dahil hindi niya mahanap si Limea. Kanina pa siya ikot nang ikot ngunit mukhang wala ang dalaga. Dapat ay nasa silid niya ito ngayon. Nakahinga lang siya nang malalim nang makita ito sa silid ni Matthew. Napabuntonghininga si Sparrow habang nakatingin sa dalaga. Pinagpahinga siya ngayon ni Captain Alton ngunit imbis na manatili sa sariling kwarto ay mas pinili niyang bantayan si Matthew. Sinisisi pa rin niya ang sarili sa nangyari sa binata. Kung naging mas malakas lang sana siya ay hindi siya magiging pabigat sa kaniyang grupo at sa kabilang grupo. Hindi sana nagkaganito si Matthew dahil sa kaniya. May kirot sa pusong nilisan ni Sparrow ang silid. Hinayaan na niya ang dalaga sa nais nito at lumabas na lang upang tumulong. Napatingin na la

