Nicy Lorraine Morit "Thank you, Captain!" bati ni Alessandra, ang Witch ng grupo. "Bukas ulit, Cap! Una na kami," paalam ni Jhon, ang Assassin ng Team Alpha. Tumango lang si Guinevere na Swordsman ng grupo, in her case, a Swordswoman. Kumaway na lang ako sa kanila habang naglalakad palayo. Viannie, our Healer, and Ron, our Wizard, are already home. Maaga silang umuwi dahil kailangan sila sa bahay. Hindi ko na rin pinigilan dahil baka masermonan ako nina tita. Nang makarating ako sa inn, nakita ko agad si Lance. Malawak akong napangiti nang makita siyang nakapangalumbaba sa mesa habang sumisimsim sa isang basong juice. Nakadekuwatro pa siya na parang tamad na tamad. Dahan-dahan ang naging paglapit ko sa kaniya bago siya binigyan ng isang halik sa pisngi. Bahagya siyang napapitlag at

