HABANG BUSY ang lahat sa pagbabalik ng kanilang mga tahanan sa dati ay may nagaganap na pagpatay naman sa Hilagang bahagi ng Marcello. Ang mga robot-types at human-types ay nagsisimulang pumaslang sa pamumuno ng isang Witch. Isa rin siyang human-type ngunit ang kinaibahan ay wala itong mga paa. Lumilipad ito sa himpapawid at pati ang kaniyang mahabang buhok ay nililipad ng hangin habang inuutusan ang iba pang pumatay. Kulay puti ang kaniyang dalawang mata, may hawak siyang mahabang tungkod at ang nakakaagaw pansin ay ang kulay itim at patusok nitong sumbrero sa ulo. Muli sana niyang pauulanan ng mga pana ang isang syudad nang isang malalim at malamig na boses ang nakapagpatigil sa kaniya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Catarina?" tanong ng pamilyar na boses. Nilingon niya ang pinang

