Chapter 49 Limea Seay Meadow Hindi naging madali ang mga susunod na araw. Natagalan kami sa pananatili sa Marcello sa hindi malamang dahilan. Kaya naman tinulungan ng mga teams ang mga Marcollds na ibalik ang kani-kanilang mga tahanan sa dati. Maraming istraktura ang nasira na halos hindi na makilala ang mga lugar. Hindi na matukoy ng ilan kung nasaan ang kanilang mga tahanan dahil natupok ang mga iyon ng apoy. Ang mga pangkabuhayan nila ay wala na rin. Ni hindi na nila alam kung paano sila babangong muli matapos ang trahedyang nangyari. Habang naglalakad ako sa gitna ng mga nagkakagulong Marcollds ay hindi ko maiwasang hindi marinig ang mga pag-uusap nila. Lalo na at tungkol iyon sa mga doubts nila sa kanilang hari at sa inaasahan nilang tagapagtanggol - si Haring Draco. "Why did thi

