LOURDES'S POV: Hindi lamang ako nagmumog, kung 'di naligo rin ako matapos magsepilyo. Pagkatapos, pinunasan ko nang mabuti ang aking basang buhok at sinuklay ito ng maayos. Baka mamaya ay hindi niya ako halikan, dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Sir Miguel. Chos! Ang aga pa, e pinatutulog agad ako. Ano ako bata? Pero dahil parang ayaw niya naman na ako palabasin ng aking silid ay hindi na nga ako lumabas. Okay na rin, baka mamaya ay mabadtrip pa siya ulit sa akin. Nagscroll na lang ako sa mga socmed at nang makaramdam ng antok ay itinulog ko na rin. Kasarapan ng aking tulog ay nakaramdam ako nang may humahaplos sa aking hita, patungo iyon sa aking beywang, hanggang sa makapasok sa loob ng aking suot na damit. Ang aking suot ay isang malaking t-shirt lamang, at ang panloob ko ay i

