LOURDES'S POV: Natatawa ako minsan sa kilos ni Sir Danya, para kasi siyang asawa o boyfriend kung makapag-alala sa akin. On my days off, he wouldn't allow me to do any cleaning or cooking. Kapag nakikita niyang gumagawa ako ay agad niya akong sinisita na lagi kong ikinabubuntong-hininga. Lahat ay siya ang gumagawa ng gawain ko. Nagwawalis, naglalaba at nagluluto ng pagkain namin. Minsan nalilimutan ko na katulong nga pala ako dito. Nang sumunod na araw ay ako na talaga ang nagluto. Hiyang-hiya na kasi ako talaga sa kanya. Busy siya sa clinic niya, tapos pinagluluto niya pa ako. Nitong mga nakaraang araw ay sobrang sweet niya sa akin, bagay na ikinakilig ko. Para tuloy akong nasa langit sa tuwing magkakausap kaming dalawa. Heto na naman ako nag-iilusyon. Nasa hapag-kainan na kami nang

