CASON’S POV
Matapos kong iwan ang journal kay V ay dumeretso na ako sa bahay ng kapatid ko kung saan ako tumuloy matapos ang aksidente. Marami akong bagay na tinalikuran matapos ang pangyayari; bahay, mga sasakyan, pera, trabaho at mga kliyente. I had to, most of them thought I was dead.
Ngayong nagtatagpi-tagpi na ang mga sagot sa mga tanong ko, wala na akong pakialam kung makilala man nila ako o kung habulin ako ng mga dati kong kliyente na naiwanan ko ng trabaho. Ang importante malaman ko ang nangyari kay Althea, maging ang mga sinabi sa kanya ni Sayer.
Madali lang para sa akin ang hanapin si Sayer dahil alam na alam ko ang pasikot-sikot ng trabaho niya at alam ko kung paano siya magtrabaho. Buong araw kong hinintay si V na tumawag o magtext man lang patungkol sa journal na pinapaaral ko sa kanya. At habang naghihintay ginamit ko ang luma kong database para mahanap si Sayer. Gusto ko siyang makausap, may mga bagay akong gustong linawin. At sa oras na malaman kong niloko niya si Althea, hindi ako magdadalawang isip na kunin ulit ang dati namang akin.
Gamit ang SpySoftware na noon pa man ay ginagamit ko na sa pagtrace samga pinapahanap ng mga kliyente ko, ginawan ko ng sariling profile si Sayer. Nirehistro ko ang pangalan niya at iba pang basic information na kailangan ay nandoon. Maging ang litrato niya na kinuha ko mula sa gallery ng phone ni Althea ay inilagay ko rin.
SpySoftware will trace every detail from internet usage and inputs to recent bank transactions. Ang ikinaganda ng software na gamit ko ay maging ang mukha ni Sayer ay magagawa niyang i-trace mulasa mga public cameras na nakapalibot sa siudad.
Several information showed up and even screen shots taken from both public and private cameras. But I have to tone it down, I removed all the shots taken from public places and it left only those came from private establishments.
Isang litrato ang pumukaw sa atensyon ko, it was Sayer and another man. Pamilyar ang mukha ng lalake sa 'kin, kay mas inilapit ko pa ito. At doon ko napagtanto na ang lalake ay ang doktor na humawak noon sa extraction ni Althea. Dali-dali kong tinignan at isinulat ang address kung saan kuha ang larawan.
I know for sure, Sayer won't tell me that he lied, but this man can't lie. I will make sure that he won't.
Tumakbo ako palabas ng bahay at sumakay sa sasakyang nakaparada sa kagahe. Hinarurot ko ang sasakyan palabas ng gate at papunta sa subdivision na kung saan kuha ang imahe. Alam kong hindi ako papasukin ng gwardiya kaya naman inihanda ko ang I.D ko na nagpapakita na autorisado akong pumasok doon bilang isa sa mga developer ng lugar.
Hindi mahirap para sa 'kin ang gumawa ng mga fake i.d, matagal ko na itong ginagawa at matagal na rin ng talikuran ko iyon. Ngunit para kay Althea, handa akong balikan ang lahat, maibalik lang siya sa 'kin.
Madilim na sa labas daan at maging sa lugar na pupuntahan ko. Dalawang gwardiya ang nakita kong nagbabantay sa may gate nito. Inihanda kong ang I.D at ang sarili ko para matagumpay akong makapasok doon.
"Good evening sir, saan po kayo pupunta?" Pagbati sa 'kin ng isang guard na bahagyang yumuko para makita ako at ang loob ng sasakyan. Nakita ko ang i.d niya, kapareho ng nakalagay na logo ng subdivision ang nasa kanya at sa i.d ko.
Hindi na ako nagsalita, ipinakita ko nalang ang i.d ko na sandali niyang tinignan. He looked at my face, trying to see if it matches the i.d.
"Sige po sir, pasok na po kayo." Malugod niyang wika.
I shifted the gear but stopped to ask question. Muli kong ibinaba ang salamin na agad namang dinungaw ng guard. "Dumating na ba si Doctor Jung?"
Tinignan ko nang maigi ang reaksyon ng kausap ko at base sa mukha niya, alam kong kilala niya ang taong hinahanap ko.
"Teka lang sir ha," lumapit siya sa kasamahan para magtanong "Tol, nakita mo na bang dumaan si Doc Jung?" Humarap sa kanya ang kausap na kanina lang ay abala sa pagbukas ng gate. "Hindi pa tol, pero mayamaya darating na 'yun."
Bumalik ng tingin sa 'kin ang guard at inulit ang sinabi ng kasamahan niya. "Kung gusto niyo sir, dumeretso nalang kayo sa klinika niya, kung bukas pa 'yon panigurado nandoon pa yung nars."
"Ah ganun ba, sige salamat."
Kung ganoon, hanggang ngayon pala magkasama pa sila ng nurse na nag-iwan ng journal sa 'kin. Ang ipinagtataka ko lang, bakit ang journal lang niya ang iniwan niya? Bakit hindi niya ako kinausap tungkol kay Doctor Jung? Marami akong tanong para sa doktor na 'to at hindi ako makakapayag na hindi ko siya makausap ngayon.
Sa ilalim ng malabong na puno ko ipinarada ang sasakyan. Ang puno ay nasa harapan lamang halos ng klinikang sinabi sa 'kin ng guard. Habang naghihintay ay tinawagan ko si V.
"May nakita ka ba?" Bungad ko sa kanya.
"Ha! Anong nakita?" Aniya na tila ba natataranta.
"Sa journal."
Sandaling natahimik si V na narinig ko pang huminga ng malalim.
"Ah, tama 'yung mga hinala natin kuya, saktong-sakto ang mga nakasulat dito."
Nagpatuloy siya sa pagsasalita tungkol sa pagkawalan ng memorya ni Althea at mga posibilidad na maging epekto ng extraction sa kanya.
"Kailan nawala ang alaala niya?" Pagputol ko sa sunod-sunod niyang pagsasalita.
"Ha? Um..teka lang, base sa nabasa ko, mawalan siya ng alaala matapos ang extraction."
"Pero bago ang extraction?"
Narinig ko ang pag tunog na kung saan inililipat-lipat ni V ang pahina ng journal na tila ba naghahanap ng kasagutan sa huli kong tanong.
"Walang nakasulat dito kuya, hindi klaro kung kasama ba sa mga nawalang alaala bago ang extraction."
Sa mga narinig ko ay lalo akong nabigyan ng dahilan para makausap ang doktor. Galit ang lumalakad sa bawat ugat ko dahil sa naiisip kong pagsisinungaling ni Sayer kay Althea. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya sa oras na mapatunayan kong pati ang kasal nila ay kasinungalingan lamang.
"Kuya, ang imprint ba ay tattoo? May visuals kasing naka-drawing sa journal."
Muli kong naalala ang ginawa ko noon para mahanap ang tattoo niyang iyon. Sa sekretong kwarto na pinalibutan namin ng UV scanner. Ang mga ginawa ko noon ay nasa plano, pwera lang sa mga sinabi ko. "Yes, tattoo nga."
"Sino namang hayop ang gagawa n'un tsaka bakit siya pumayag na magpa-tattoo?"
"Hindi pa niya alam noon, sanggol palang siya. At ang nanay niya ang may gawa n'un."
Napamura si V sa nalaman. Kahit noong nalaman ko ganoon din naman ang reaksyon ko. Hindi sapat na dahilan para sa 'kin ang trabaho ng kanyang ina bilang special agent at tungkulin niyang itago ang coordinates para saktan at gamitin niya ang anak niya.
"V, tawagan nalang kita mamaya, may importante akong ginagawa."
Nakita kong paparating ang isang kotse na sa palagay ko ay titigil sa harapan ng bahay na binabantayan ko. Tinted ang sasakyang gamit ko kaya hindi ko kinailangang magtago sa paningin niya. Kusang bumukas ang gate ng kanyang garahe na siya namang labas kosa sasakyan. Kailangan ko siyang sabayan sa pagpasok dahil kung hindi, hindi ko siya mako-corner.
Hinintay ko munang muling sumara ang gate dahil sa pagsara niyon ay ang pag-dim muli ng mga ilaw sa loob ng garahe. Akmang pagbukas ng pinto ng kotse, lumapit na ako sa kanya. At nang lumabas ito'y agad kong ipinalupot ang braso ko sa leeg niya, dahilan para hindi siya makagalaw at hindi niya ako matignan.
"Sino ka! Paano ka nakapasok dito?" Pagpupumiglas niya.
Kahit pa madilim ay alam ko pa rin ang mga bagay na maari niyang dala bilang pang proteksyon sa sarili niya. Pagtingin ko sa kamay niya ay sakto itong dudukot ng army knife na sa isang kumpas lang ay lalabas ang matalim na kutsilyo na maaring kumitil sa buhay ko. Ngunit mas mabilis ako kaysa sa kanya, agad kong tinabing ang kamay niya upang mabitawan niya ang kutsilyo.
"Bitawan mo 'ko!" Sigaw niya. Hindi na siya makapiglas dahil maging ang dalawa niyang kamay ay hawak-hawak ko na rin.
"Doctor Jung, long time no see."