Tumigil siya sa paggalaw, alam kong kahit pa paano'y nakilala niya ang boses ko. Nakita kong tumingin siya sa repleksyon ng salamin ng kotse niya.
"Cason Park! A-anong kailangan mo?" Dama kong tila natakot siya nang makita ako.
"Important questions." Tipid kong sagot.
"Tsk, sigurado. You rose from your grave!"
I tugged his neck making him cough a bit. "Okay, okay."
Nilugawan ko ang pagkakasakal ko sa kanya. "Anong nangyari matapos ang pagsabog?"
"Pwede bang mag-usap tayo nang maayos? There is coffee er..beer inside."
Hindi ko alam kung pwede kong pagkatiwalaan ang lalaking ito pero kung gusto kong malaman ang mga sagot na kailangan ko, dapat ko siyang pagkatiwalaan.
"Wrong move and I'll kill you."
Dinala niya ako sa sala na kung saan napapalibutan ng mga mamahaling vases parang ang iba pa nga'y mga artifacts na tila galing sa sinaunang panahon. Pumunta siya sa bar stool at kumuha ng malamig na beer na ibinigay sa 'kin. Tinignan ko siya matapos niyang iabot angalak sa 'kin.
"Don't worry, walang lason 'yan sealed pa oh." Aniya.
I don't like the way he talks para napaka komportable niyang kausap ako.
"Answer my question." Gigil kong wika.
"Ah! 'bout that, hindi ba pwedeng mag move on ka nalang tutal ligtas naman si Althea."
My temper bounced up, parang umapoy ang ulo ko. I instantly jumped out of the couch and went straight to grab him. Gamit ang army knife na pagmamay-ari niya, itinutok ko iyon sa leeg niya, gamit mismo ang kamay niya.
"I could kill you right now and make it look like a suicide."
Nakita ko kung gaano nalang siya katakot nang makita niya kung gaano ako kaseryoso. Nilunon pa nito ang namuong laway sa kanyang lalamunan bago ako sinagot.
"S-sorry, sasagot na ako, s-sasagot na yung m-maayos."
I gave him one last chance to answer.
"Bago ang pagsabog nakaalis kami, kasama ko si Nari,si Sayer at Althea. Nagising si Althea habang nagda-drive ako palabas ng bodega." He stopped to drink beer.
"Nakiusap siya na balikan ka at iligtas. Pero ang sabi ni Sayer wala nang oras."
By the time na palabas na sila ng bodega,naroon pa rin ako sa loob pilit na naghahanap ng daan pababa dahil sa kagustuhan kong iligtas si Althea. Hindi ko noon nakita si Sayer na nilapitan si Althea, dahil nang bumalot ang puting usok ay ipinutok ni Director Bang ang baril niya papunta kay Althea kaya agad akong nakipagbuno sa kanya.
"Tell me about the imprint after the extraction." Pinalitan ko ang tanong dahil ayoko nang malaman pa na hindi ako ang nakapagligtas kay Althea. Buong buhay kong pagsisisihan iyon.
"Hindi namin makuha ang coords, nawala lahat ng data na nakuha namin. At ang imprint sa likod ni Althea nawala. . .kasama ng mga alaala niya."
Totoo ngang wala na siyang maalala kahit pa tungkol sa 'kin. Matapos kong ubusin ang alak na bigay niya sa 'kin ay nagtungo ako malapit sa pintuan na palabas ng bahay. Ngayon, isa nalang ang tanong na nais kong malaman ang sagot.
"Yung kasal nila, totoo ba?" Narinig ko siyang tumawa kaya naman minasamaan ko siya nang tingin.
Umiling ito.
"Pagka gising ni Althea mula sa pagkaka-coma nang ilang araw, nagpakilala si Sayer bilang asawa niya."
Lumukot ang dibdib ko't nakaramdam ako nang galit. Ayokong madamay ang doktor nakausap ko kaya naman nagdesisyon akong umalis na. Hindi na nag abala bang sumunod si Doc Jung, takot lang niya.
Ngayong malinaw na ang lahat, sigurado na ako sa gusto kong gawin.
Babalikan ko si Althea,kukunin ko ulit ang talaga namang akin.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan, I could'nt think of anything. Masyadong mausok ang isip ko, para akong nilalamon ng galit. Sinaktan at niloko ko noon si Althea pero hindi ko matanggap na nangyayari ulit iyon sa kanya nang dahil kay Sayer. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa oras na dumapo ang kamay ko sa kanya.
I drove the cars fast as I can. Hindi ko makalma ang sarili ko't kating-kati akong makita si Sayer. Malalim na ang gabi, at sa mga oras na ito malamang pauwi na si Sayer, kaya naman sa bahay nila ang punta ko.
Wala na akong pakialam kung makita ako ni Althea dahil matapos lahat ng malaman ko, alam kong gusto ko na siyang makita at makasama. Mahabang daan ang binaybay ko matunton lang ang bahay nila. Mabuti nalang at agad ko silang nakita dahil sa gps ng sasakyang gamit ko na nilagyan ko na ng infos galing sa cellphone ni Althea.
I was about to stop the car in front of their house but then I saw a man in a rugged jacket walks to throw away his used cigarette. And as soon as he open his jacket to get a new stick, I saw a gun tucked along his waist.
I knew there is something wrong.
Sinadya kong nilagpas ang sasakyan sa bahay na pakay ko. Nakita ko ang dalawang kotse na nakaparada sa harapan ng gate. May ilan-ilan din akong nakitang mga lalaking nagmamasid pero isang pamilya na mukha ang pinagtuunan ko ng pansin.
Pilit ko inalala kung sino ang lalake. Binuksan ko ang database ko matignan kung naroon ba ang kahina-hinalang tao. I had to stop my car somewhere, kaya naman umikot ako sa kabilang kanto para makabalik sa bahay na pakay ko.
The system alarmed me, nakita na niya ang ipinahahanap ko. Si Trent Avalos.
Isang renowed businessman na kilala sa pamamaraan niya ng pakikipag-negosasyon. Madalas malalaking kumpanya ang target niyang maangkin upang madagdagan ang yaman niya. Lahat nang klase ng business meron siya, mula pinakamaliit hanggang sa pinaka mataas kung makapag bigay ng pera sa kanya, lokal man o pang internasyonal.
Dirty Dealer ang tawag ng iba sa kanya, dahil madalas kapag hindi niya makuha ang kliyente sa masusing usapan, tiyak dadaanin niya sa maruming dahas. Dalawa ang posibilidad kung bakit siya narito. Una, dahil kay Sayer. May kutob ako na natiktikan na si Sayer na pinapatrabaho na siya ng agency. Pangalawa, at hindi naman sana, target niya si Althea para makuha ang codes.
"Akala niya siguro na hanggang ngayon na kay Althea pa ang codes."
Hindi ko maaring hayaan na mangyari ulit kay Althea ang nakaraan. Kailangan ko siyang sabihan at iligtas.
Kinuha ko ang baril sa compartment ng sasakyan at itinago iyon sa loob ng bulsa ko. But as soon as I opened the car door, a fast car approached the others. Tumigil ako sa ginagawa ko para makita kung sino ba ang dumating.
Malayo sila pero rinig ko ang boses ng lalaking dumating – si Sayer.
Sa pagsilip ko, kita ko ang mukha niyang bakas ang magkahalong galit at labis na pag-aalala. Ngayon alam ko na, na si Althea nga ang pakay ng grupo ni Trent at narito si Sayer para mapigilan iyon.
Alam kong hindi kakayanin ni Sayer ang mag-isa, kaya naman tahimik akong lumabas ng kotse at lumapit sa kinaroroonan nila.
"Huwag mo siyang isali rito Trent, alam kong ako ang kailangan mo." Matikas na wika ni Sayer.
"Tama. Ang laki ng atraso mo sa 'kin Mister Orquia." Palapit nang palapit si Trent sa kinatatyuan ni Sayer. "Nakatunog ang iba kong kliyente, bigla tuloy silang nawala." Ngumisi si Trent at dahil doon napaurong ng bahagya si Sayer. "At ikaw ang may gawa n'un."
Lumapit ako sa bakod ng bahay pero masyado iyong mataas. Kailangan kong makausap si Althea bago siya makita ni Trent.
"Kaya naman, kailangan mong bayaran lahat ng nawalang pera sa kumpanya ko."
Alam kong maraming pera si Sayer at kayang-kaya niyang bayaran ang sinasabi ni Trent. Pero sa tingin ko, hindi basta pera ang gusto ng tusong si Trent.
"Kung pera ang gusto mo, ibibigay ko lahat ng pera ko sa bangko. Tigilan mo lang kami."
Ngumisi si Trent at 'di nagtagal ay humalakhak na parang isang demonyo. "Your net worth won't be enough. I want her."
Bumwelo na ako para umatake, hindi ko nagugustuhan ang patutunguhan ng usapan nila. Ngunit nang palingon ko'y galit na galit na sumusugod si Sayer nang mag-isa. Hindi siya nagtagumpay sa balak niyang mangyari dahil agad siyang pinigilan ng mga tauhan ni Trent.
"Huwag ka nang magpagod Mr. Orquia. Ako na ang bahala sa kanya."