Binato niya ang bag niya sa tabi ko dahilan para tumingin ako sa kanya. "Dumarating ka lang naman kapag may kailangan ka! Wala kang alam sa pinagdaanan ng kuya ko!" Tinapos ko muna ang connection ng phone ni Rina at ng laptop ko bago ko siya kinausap. "Naiintindihan ko ang galit mo at alam ko rin na galit si Cason sa akin. Tama ka. Wala akong alam sa pinagdaanan ng kuya mo pero tinanong mo ba siya kung bakit siya nagkagano'n?" Hindi siya makasagot sa akin. Alam ko namang maraming alam si V sa mga nangyari noon at naiintindihan ko na nagagalit siya dahil ako ang sinisisi niya sa mga nangyari sa kuya niya but it wasn't just my fault. "Maliwanag sa aming dalawa ni Cason na pareho naming alam ang mga mangyayari sa mga naging desisyon namin noon. Kung galit siya ay galit siya sa ibang rason

