Chapter 96

1559 Words

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa kusina. Hindi naman iyon gaanong maingay pero mababaw talaga ang tulog ko na kahit mahinang kalansing lang ay nagigising ako. Agad akong napatayo nang makita ko ang laptop. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako ulit. Agad kong inasikaso ang bypass at tinignan kung gumana ba ang ginawa ko. Napailing na lang ako dahil natapos nga ang bypass ay hindi naman nakuha ang kailangan kong lokasyon ni Althea. Dumungaw mula sa kusina si Rina na hawak pa ang sandok. "Sorry. Nagising ba kita?" "Hindi nga dapat ako natulog." Bahagya siyang tumawa. "Patapos na tong niluluto kong almusal. Feel free to use whatever you need here. Kumain ka na rin pagkatapos. May pasok ako ngayon. Hindi ako maka absent." "S-Sige. Salamat." Bago siya muling bumalik sa kusina ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD