Hindi man ako makagawa ng anomang aksyon sa sitwasyon ko ngayon ay nanatiling nakakatutok ang mga mata ko kay Althea. Napukaw ang atensyon ko sa dalang case ng isa sa mga doctor. Iba ang kutob ko sa laman niyon. Hindi ako nagkamali sa inisip ko. Ang laman nga niyon ang gagamitin para sa extraction. Nagmamasid na ako sa mga nakabantay sa akin at naghahanda ng sumugod pero bigla na lamang tumigil ang dalawang doktor. Hindi ko marinig kung anong pinag uusapan nila pero nakita kong nagulat sila nang tignan ang marking sa likod ni Althea. Bahagya ko iyong nasilip. Tama si Sayer. Wala na nga ang markings doon. Wala ang Imprint sa likod ni Althea. Hindi na nagawa ni Sayer na makasagot dahil lumapit ang isa sa mga doctor para tignan ang kalagayan ni Sayer. "Don't even dare to make any move

