"Waa kaming gaanong alam tungkol sa nanay mo. Hindi kailangan ang kabusising detalye sa kung sinong magiging kliyente namin." Napahalukipkip ako. "Nagkaroon kasi ng pagkakataon na narinig ko siya sa isip ko. Koneksyon daw namin iyon dahil sa Imprint." "Anong plano niya?" Sandali akong natigil at tumingin kay Cason. Mukhang alam niyang hindi nagpapaligoy ligoy ang nanay ko padating sa Imprint. "Gusto niyang kunin ang Data sa Imprint." Mukhang alam ni Cason na makakasama iyon sa akin at sa baby ko. "Hindi natin hahayaang mangyari iyon." Tumango ako. "May oras pa naman siguro tayo para makatakas `di ba?" Naglakad si Cason patungong bintana at sumilip. "Wala na." Agad na kinuha ni Cason ang wheelchair na nasa gilid lamang. Hindi ko iyon napansin at hindi ko na rin napansin kung dal

