Naubos ko na ang isang bote ng whisky na pinakakatago tago ng presidente sa kanyang opisina. Mag isa lang ako sa loob dahil abala pa siya sa pakikipag usap sa mga kasamahan niya sa gabinte para pag usapan ang problema ng bansa. Kahit hinabilin niyang mas gusto niyang nandoon ako ay hindi ako sumunod sa kanya. Walang sinuman o anuman ang makakapag bigay solusyon sa problema ko. I saw Althea this morning. Alam kong hindi na dapat pa akong lumalapit sa kanya. But when I saw her, I couldn't control myself. Hinintay ko siyang lumabas sa event bago ko siya nilapitan. I was a fool! Niyakap ko siya at kinausap. She knew it was me kahit hindi pa ako nagsasalita at hindi niya ako nakikita. Gustong gusto kong tumakas kasama siya. Gusto ko siyang ilayo sa lugar na iyon at takasan ang nakataling

