Naging habit ko na ang pagkatok sa mesa sa tuwing naiinip at naiinis ako. Nothing will change kahit ilang beses pa akong habulin ni Jillian para maka date. Sa mga nakaraang biglaang date namin ay nakakatakas ako. Biglaan dahil bigla na lang siyang susulpot kapag may event or meeting ang president kung saan nandoon din ako. Siguradong pinag usapan na nila iyon para ma corner ako. I can't escape this date like the previously. Dala na ni Jillian ang mga bodyguards niya. Palibhasa spoiled brat siya at spoiled ng kanyang amang senador. She is way younger than me at wala atang pakialam ang tatay niya kahit matanda ako ng pitong taon sa kanya. Hindi rin talaga nakikinig sa akin ang presidente kahit anong pilit kong ipatigil na ang pag seset up ng date sa akin. He is persistent with this one.

